Kinumpirma na ng isang miyembro ng pamilya Aquino at ilang malalapit na kaibigan ang pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa Capitol Medical Center.
Ang 61-anyos at ang ika-15 pangulo ng bansa ay pumanaw alas-4:30 ng madaling araw kanina.
Nagsilbi siyang punong ehekutibo mula 2010 hanggang 2016.
Sa kanyang inaugural speech sa Quirino Grandstand, tumatak sa sambayanan ang sinabi niyang, ‘kayo ang boss ko!,’ gayundin ang pagbabawal niya sa ‘wang-wang’ na aniya ay inaabuso ng ilang taga-gobyerno para makalusot sa trapiko sa mga lansangan.
Ang tagline ng kanyang administrasyon ay ‘Daan Matuwid.’
Bago nahalal na pangulo ng bansa, nagsilibing kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Aquino mula 1998 hanggang 2007, bago nahalal at nagsilbi sa Senado ng tatlong taon, 2007 – 2010.