BREAKING!!!!! Pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino kumakalat sa social media

By Jan Escosio June 24, 2021 - 09:50 AM

Higit dalawang oras nang bumabaha sa social media ng mga mensahe ng pakikiramay para kay dating Pangulong Noynoy Aquino.

Base sa mga ulat sa radyo, isinugod ang dating pangulo sa Capitol Medical Center kanina at sinasabi na ito ay sumakabilang buhay na.

Nasa naturang ospital na rin ang mga dating miyembro ng gabinete ni Aquino na sina dating Interior Sec. Mar Roxas at dating Energy Sec. Jose Rene Almendras.

Gayundin ang bunsong kapatid ng dating pangulo na si Kris Aquino.

May mga malalapit kay dating Pangulong Noynoy Aquino ang nagkumpirma na rin ng kanyang pagpanaw at diumano dahil sa stage 4 lung cancer.

Nakiusap sila na huwag nang pangalanan bilang respeto na rin sa mga naulila ng dating pangulo.

Hinihintay ang opisyal na pahayag ng pamilya Aquino at ng mga dating miyembro ng gabinete tungkol sa kalagayan ng dating pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.