Medical experts mula sa Israel bumilib sa vaccination rollout sa bansa – Palasyo

By Chona Yu June 23, 2021 - 05:09 PM

Napabilib ng Pilipinas ang medical experts mula sa Israel sa ikinakasang vaccination rollout ng gobyerno.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque humanga sina Avi Ben-Zaken, Dafna Segol at Adam Segal sa sistema ng pagbabakuna sa bansa at ikinumpara pa aniya ng mga ito ang Pilipinas sa Israel.

Dumating sa bansa ang tatlo para personal na alamin ang proseso ng pagbabakuna sa Solaire mula sa registration hanggang sa monitoring ng mga nabakunahan.

Nabanggit ni Roque na bibisita din ang tatlo sa iba pang vaccination sites sa iba pang bahagi ng Pilipinas maging sa cold storage facility.

Pagdidiin nito kailangan na may matutuhan ang bansa sa Israel, na sinasabing napagtagumpayan na ang pag-kontrol sa pagkalat pa ng nakakamatay na sakit.

Hanggang sa Biyernes ang tatlong foreign medical experts sa Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.