Malakanyang papatunayan mali ang isang UK-based company sa isyu ng vaccination rollout sa Pilipinas

By Chona Yu June 23, 2021 - 05:00 PM

Naniniwala ang Malakanyang na mali ang naging basehan ng  United Kingdom-based Pantheon Macroeconomics sa pahayag na mabibigo ang Pilipinas na maabot ang ‘herd immunity’ sa katapusan ng 2021.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na maaring ang pinagbasehan ngh Pantheon ay ang vaccination rollout sa mga naunang buwan kung kalian tanging Sinovac vaccine lang ang mayroon sa Pilipinas na nadagdagan ng konting AstraZeneca vaccines.

Ayon ka Roque ngayon ay 350,000 na ang nababakunahan kada araw sa bansa at balak pa itong iangat ng gobyerno sa kalahating milyon.

“We will prove them wrong and I think ang basehan kasi ng think-thank nay an must have been our phase of vaccination early on na talagang Sinovac lang ang mayroon tayo at kakaunting AstraZeneca pero ngayon dumating na nga po ang ating mga bakuna at mas marami pa ang dadating,” diin nito.

Unang sinabi ng Pantheon na maliban sa Pilipinas at Vietnam, maabot ng karamihan sa mga bansa sa Asia ang ‘herd immunity’ sa susunod na taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.