Mga tao ni dating Pangulong Arroyo ang magpapatakbo sa Gobyerno pag nanalo si Digong – Trillanes

By Dona Dominguez April 22, 2016 - 06:23 AM

Kuha ni Rose Cabrales
Kuha ni Rose Cabrales

Pawang mga loyal kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nasa likod ng mga grupong sumusuporta sa kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, ilan lamang sa mga tinukoy ni Senator Antonio Trillanes IV na mga kaalyado ni dating Pangulong Arroyo at ngayon ay sumusuporta kay Duterte na sina dating Press Secretary Jesus Dureza, dating AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon, Rep. Silvestre Bello III at si Gabby Claudio na dating political adviser ni Arroyo.

Ayon kay Trillanes, pawang “GMA people” ang mga supporters ni Duterte kaya kung siya ay mahahalal, mga tao din ni Arroyo ang magpapatakbo ng gobyerno. “You have GMA people kay Digong, si Jess Dureza, Esperon, Bebot Bello, Gabby Claudio. Kumbaga, sila din ang magpapatakbo ng gobyerno pag nanalo si Digong,” sinabi ni Trillanes.

Isa pa sa nakikitang problema ni Trillanes kay Duterte ang aniya ay ugnayan nito sa mga komunista.

Ani Trillanes, si Duterte mismo ang nagsasabi sa mga panayam na kapag siya ay nahalal, makatutuntong sa Malakanyang ang mga miyembro ng New People’s Army. “Ang problema talaga ay ang link niya with the communist. Sinasabi niya sa mga interview makakatuntong sa Malakanyang ang NPA,” dagdag pa ni Trillanes.

Iginiit din ni Trillanes na malala ang krimen sa Davao City. Aniya hindi kailanman nakilalang safe city ang Davao. Katunayan, ikaapat ito sa may pinakamaraming naitatalang krimen.

 

TAGS: GMA allies back Duterte's presidential bid, GMA allies back Duterte's presidential bid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.