Komedyanteng si Shalala pumanaw na sa edad 61

By Jan Escosio June 23, 2021 - 02:06 PM

Namayapa na sa edad na 61 ang TV host – comedian na si Shalala kanina.

Namatay dahil sa mga komplikasyon sa Fe del Mundo Medical Center sa Quezon City ang komedyante na Carmelito Reyes sa totoong buhay.

Sinabi naman ng kanyang mga pamangkin na tuberculosis at pneumonia ang unang findings ng mga doktor sa komedyante.

Pagtitiyak naman nila na negatibo ito sa COVID 19.

Wala pang pinal na plano ukol sa libing ni Shalala  bagamat sa St. Peter Funeral Homes sa Quezon Avenue, Quezon City siya ibuburol.

Sumikat ito bilang isa sa mga hosts sa programang ‘Walang Tulugan with the Master Showman’ sa GMA – 7, bagamat lumabas din kito sa ilang palabas sa ABS – CBN.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.