Mataas na opisyal ng militanteng grupo ng mga magsasaka, sumuko
Sumuko sa Philippine Army ang isang mataas na opisyal ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa Magpet, North Cotabato.
Nagtungo si Pedro Arnado, chairman ng KMP – Mindanao at nagsisilbi din national treasurer ng militanteng grupo, sa 1002nd Brigade Advance Command Post at sinalubong ni BGen. Potenciano Camba.
Nabatid na si North Cotabato Rep. Rudy Caoagdan (2nd District) ang nag-asikaso ng pagsuko ni Arnado.
Sa inilabas na pahayag ng Army 72nd Infantry Battalion, nabanggit na si Arnado ay isa din mataas na opisyal ng New People’s Army.
Diumano ang pagsuko nito ay dahil na rin sa labis na pagod at mahinang pamunuan ng kilusan, gayundin ang humihina na rin suporta sa kanila ng masa.
Nangako si Arnado na sa kanyang pagbabalik-loob sa pamahalaan ay makikipagtulungan siya sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.