Bagong Delta variant ng COVID 19 nadiskubre sa India, pinangangambahan ang bagsik

INDIA TODAY FB PHOTO

Nagpahayag ng pangamba ang gobyerno ng India sa nadiskubreng bagong variant ng COVID 19 sa bansa.

Nabatid na ang bagong variant na tinawag na Delta plus ay nadiskubre na sa 16 kaso sa Maharashtra State at sa dalawang iba pa.

Sinabi ni Federal Health Sec. Rajesh Bhushan mas mabilis na naihahawa ang bagong variant ng nakakamatay na virus.

Pinayuhan na ang lahat ng states sa India na dagdagan pa ang pagsasagawa ng testing.

Samantala, duda na rin ang public health experts sa India na magagawang maulit ang pagpapabakuna sa 8.6 milyon noong Lunes dahil na rin sa suplay ng bakuna.

Sa ngayon, 5.5 porsiyento pa lang ng kinakailangang mabakunahan na 950 milyon ang nabakunahan sa bansa sa kabila na kabilang ang India sa pinakamalaking vaccine manufacturer sa buong mundo.

Magugunita na noong Abril hanggang sa sumunod na buwan, naranasan ng India ang ‘second wave’ ng COVID 19 na nagresulta sa pagkakamatay araw-araw ng libo-libo at nadiskubre ang Delta variant ng 2019 coronavirus.

Read more...