Tulong ng gobyerno sa pagbili ng LGUs ng COVID 19 vaccines siniguro ni Sen. Go

By Jan Escosio June 23, 2021 - 11:53 AM

MANILA PIO PHOTO

Tiniyak ni Senator Christopher Go sa mga lokal na pamahalaan na makakaasa sila ng tulong mula sa gobyerno para sa pagbili nila ng kanilang mga COVID 19 vaccines.

 

Ayon kay Go ang problema lang ay ang limitadong suplay.

 

Sa ngayon, paliwanag pa ng senador, gobyerno muna ang bumibili ng mga bakuna dahil sa pagpirma sa Indemnification Agreement sa vaccine manufacturers.

 

Ito naman aniya ay dahil ang pambansang gobyerno ang nagtatakda sa mga dapat na maging prayoridad na sektor, medical frontliners, senior citizens, persons with comorbidities at ngayon ay economic frontliners.

 

Matatandaan na kabilang si Go sa mga senador na sumuporta sa resolusyon para sa makabili ang LGUs ng kanilang mga bakuna.

 

Sa ngayon hinihimok ng senador ang LGUs na samantalahin muna ang mga bakuna na nagmumula sa pambansang gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.