Paliwanag ng Malakanyang sa hindi pa paggasta ng P18B sa Bayanihan 2 fund, hiningi

By Jan Escosio June 23, 2021 - 09:08 AM

Nararapat lang na ipaliwanag ng Malakanyang ang hindi pa rin paggamit sa higit P18 bilyon na nailaan sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Ito ang ipinagdiinan ni Sen. Leila de Lima sa katuwiran na milyong-milyong Filipino pa rin ang nanghihingi ng ayuda sa gobyerno ngunit hindi maipatupad ng maayos ang mga programa sa kabila ng pagkakaroon na ng pondo.

Panunumbat niya, pinaghirapan ng husto ng mga mambabatas ang pagbuo sa Bayanihan 2, ngunit ang Malakanyang ang kinapos na gawin ang kanilang bahagi.

Ang batas ay nakatakdang mapawalang bisa sa darating na Hunyo 30 matapos itong mapalawig ng dalawang beses.

“Isa itong patunay na wala na sa tamang ayon ang prayoridad ng pamahalaan. Talaga namang kung sarili ang inuuna kesa bayan, Pilipino ang biktima, bayan ang magbubuhat ng pagdurusa. Kaysa unahin ang pamumulitika at pagkampanya sa eleksyon, gawin muna nila ang trabaho nila,” pagdidiin pa ni de Lima.

Maari pang muling mapalawig ang bisa ng Bayanihan 2 kung magpapatawag si Pangulong Duterte ng special session ng Kongreso para muling dugtungan ang ‘buhay’ ng batas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.