Ugnayan sa US at Australia, handang putulin ni Duterte

By Jay Dones April 22, 2016 - 04:36 AM

 

Mula sa inquirer.net

Hinamon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang Amerika at Estados Unidos na ihinto ang diplomatikong ugnayan sa PIlipinas sakaling siya ang manalo sa nalalapit na halalan.

Ang hamon ng alkalde ay bilang reaksyon sa pagbatikos sa kanya ng mga Ambassador ng US at Australia sa binitiwan nitong ‘rape joke’ sa isang campaign sortie sa sinapit ng Australian missionary sa 1989 hostage taking sa Davao Jail.

Giit ni Duterte, sa kanyang talumpati sa Kalibo, Aklan, nang kanyang bitiwan ang naturang pahayag, kanyang ikinukuwento lamang ang mga kaganapan noong 1989 nang mahostage at mapatay ng mga preso ang misyonaryong si Jacqueline Hamill.

Pinatitigil din ni Duterte ang dalawang envoy na sa pagbibigay ng komento at huwag nang makialam sa pulitika ng Pilipinas.

Matatandaang nagkomento sa pamamagitan ng Twitter post si Australian Ambassador to the Philippines Amanda Gorely sa pahayag ni Duterte sa pagsasabing ang rape at murder ay hindi dapat ginagamit sa pagbibiro.

Samantala, si Ambassador to the Philippines Philip Goldberg naman ay sinang-ayunan ang pahayag ni Gorely.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.