Delta variant itinuro ng Palasyo na dahilan sa patuloy na mandatory face shield use

By Chona Yu June 23, 2021 - 08:23 AM

Idinahilan ng Malakanyang ang Delta variant ng COVID 19 kayat nagkaroon ng pabago-bagong pahayag ukol sa paggamit ng face shield.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque lubhang mapanganib ang nabanggit na variant,na unang napa-ulat sa India, dahil mas madali itong naihahawa.

Inamin naman ni Roque na nagkaroon ng pabago-bagong pahayag ang Malakanyang ukol sa mandatory use ng face shield sa pampublikong lugar.

“Wala pong mali mag-flip-flop, kasi mayroon naman Delta variant. Kaya po tayo nagkaroon ng surge kasi nagkaroon tayo ng Alpha variant. So depende kung ano ang nadidiskubre ng siyensa kinakailangan marunong tayong mag-adapt,” paliwanag ni Roque.

Depensa pa nito; “ the process of adapting as this disease further develops and mutates, magpapatuloy po iyan at wala pong flip-flopping diyan dahil tayo ay nagpapatupad ng mga proteksyon alinsunod na rin sa kung paano nag-mutate ang virus.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.