Sen. Binay, may puna sa vaccination rollout program ng kapatid sa Makati City
Sobrang high-tech ang pamahalaang lungsod ng Makati sa pagkasa ng COVID-19 vaccination program.
Ito ang obserbasyon ni Sen. Nancy Binay kaya’t nangangamba siya para sa mga hindi marunong at walang gamit para makapagparehistro online para sila ay mabakunahan.
Pinuna rin nito ang ipinatutupad ng kanyang kapatid, Mayor Abby Binay, na ‘no walk in policy’ na maaring dahilan kayat ang mga walang kakayahan para sa online registration ay hindi pa nababakunahan.
“My concern is that it’s somewhat high-tech, the way she’s doing it. My fear is that only those who can afford and use technology can have access to the vaccine because they do not allow walk-ins,” sabi ni Binay na patungkol sa kanyang nakababatang kapatid.
Makakabuti rin aniya kung sa bawat barangay ay may online registration booths at bawiin na rin ang ‘no walk-ins policy.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.