81 kaso ng may namatay sa anti-illegal drugs operations hawak na ng DOJ, korte

By Jan Escosio June 22, 2021 - 06:35 PM

INQUIRER File Photo

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ilan sa 81 criminal cases kung saan may mga nasawi sa ikinasang anti-drug operations ang hawak na ng korte o sumasailalim sa preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ).

Ayon pa kay Guevarra, madadagdagan pa ang bilang habang patuloy ang ginagawang pag-aaral sa mga kaso ng binuong task force.

Ipinagdiinan ng kalihim na napakahalaga ng pakikipagtulungan sa kanila ng mga pamilya at kanilang mga testigo para umabot sa paglilitis sa korte ang mga kaso.

“Unless they come forward and testify, it would be extremely difficult for our investigating agencies to build up cases against erring law enforcers,” paliwanag pa ni Guevarra.

Pagtitiyak niya, patuloy nilang rerebyuhin ang mga kaso ng may mga namatay sa ikinasang mga operasyon laban sa droga.

Nabatid na ibinigay na ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa DOJ ang records ng may 200 kaso ng pagkamatay sa pagkasa ng ‘war on drugs’ ng Duterte administrasyon.

TAGS: DOJ investigation on war on drugs, drug war, Inquirer News, Menardo Guevarra, Radyo Inquirer news, War on drugs, DOJ investigation on war on drugs, drug war, Inquirer News, Menardo Guevarra, Radyo Inquirer news, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.