Alok na alyansa ng Liberal Party, premature pa – Moreno
Ayaw na munang patulan ni Manila Mayor Isko Moreno ang imbitasyon ng Liberal Party na umanib sa kanilang kwalisyon para sa nalalapit na 2022 presidential elections.
Ayon kay Mayor Isko, hindi napapanahon at premature pa ang pulitika lalo’t may kinakaharap pa na pandemya ang bansa sa COVID-19.
Una rito, sinabi ni LP president at Senador Francis “Kiko” Pangilinan na isa si Moreno sa ikinokonsidera ng oposisyon na posibleng maging kandidato.
Pero ayon kay Mayor Isko, wala muna siyang ini-entertain na mga bagay na pulitikal.
Sinabi pa ni Mayor Isko na naka-focus siya sa pagbabakuna sa 1.1 milyong Manileños.
Dagdag ni Mayor Isko, inihahanda niya ang Maynila na makabangong muli at makamit ang herd immunity.
Matatandaang tinanggihan na rin ni Mayor Isko ang alok ng 1Sambayanan na maging pambato sa presidential elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.