Scheduling system ng mga nais mabakunahan pumalpak, pag-amin ni Mayor Moreno

Manila PIO photo

Nagpaliwanag si Manila Mayor Isko Moreno hinggil sa pagpayag niya na bakunahan na rin ang ‘walk ins’ sa vaccination centers sa lungsod, araw ng Lunes (June 21).

Inamin ni Moreno na pumalpak ang ipinatupad nilang scheduling system, na aniya ay kanilang ginawa dahil inireklamo ng mga residente ng lungsod na humahaba ang pila ng mga nais mabakunahan dahil sa ‘walk ins.’

Ipinatupad, June 21, ang ‘no walk in policy,’ ngunit mismong si Moreno ang nakapansin na mababa ang bilang ng mga nais magpabakuna kayat bandang 4:30 ng hapon ay pinayagan na niya muli ang ‘walk ins.’

Makalipas lang ang apat na oras, kabuuang 18,000 pa ang nabakunahan sa lungsod.

Paliwanag naman ni Moreno sa ‘low turn out,’ 28,000 ang pinadalhan nila ng text message ngunit 4,000 lang ang nagpabakuna.

Hinala nito, nagtrabaho ang mga na-text kaya’t hindi na nagpunta sa vaccination centers kaya nang mapansin niya ang mga nakapila na ‘walk ins’ ay pinapasok na niya ang mga ito para mabakunahan.

“Nanghihinyang naman ako baka um-absent pa sa trabaho baka yung iba talaga sinadya at nagbakasakali. ‘Di talaga effective ‘yan, yung no walk-in, yung scheduling system,” sabi nito.

Read more...