Utos ni Pangulong Duterte na pag-aresto sa mga tatangging magpabakuna vs COVID-19, kailangan ng batas – Palasyo

By Chona Yu June 22, 2021 - 06:20 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Aminado ang Palasyo ng Malakanayng na kailangan ng isang batas o ordinansa para maipatupad ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang sinumang tatanggi na magpabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bagamat mayroong jurisprudence ang Pilipinas para magpatupad ng mandatory vaccination, kailangan pa rin ng legal na basehan o ordinansa para maipataw ang parusa sa mga ayaw magpabakuna.

Mayroon naman aniyang police power ang estado.

“Kapag sinabing police power, talagang may karapatang nalalabag pero nilalabag ‘yung karapatan na ‘yun para sa mas malawakang interes at ito ‘yung public health at public safety,” pahayag ni Roque.

Matatandaang sa Talk to the People ng Pangulo, Lunes ng gabi (June 21), inutusan nito ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga opisyal ng barangay na ilista ang mga ayaw magpabakuna.

Dapat aniyang arestuhin ang mga tatanggi na magpabakuna at turukan sa puwet gamit ang bakuna sa baboy na Ivermectin.

TAGS: COVID-19 vaccination, Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news, COVID-19 vaccination, Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.