Malakanyang, itinuro ni Sen. Pangilinan sa paglaan sa P173-B Bayanihan 2 fund
Sa darating na Hunyo 30, mapapaso na muli ang Bayanihan 2 at kung hindi kikilos ang Malakanyang kasama sa mapapawalang bisa ang P173 bilyong kabilang sa nailaan sa batas.
Ito ang sinabi ni Sen. Francis Pangilinan at aniya, depende na sa magiging hakbang ng Malakanyang kung paano pa mapapakinabangan ng sambayanan na may pandemya ang nabanggit na pondo.
“Right now, the ball is with the court of the Executive Department. They have basis to spend it. They have basis to release it. They have basis to obligate it. So that’s what they should do. It is really the challenge for the Executive Department dahil kung ipasa nga natin ngayon, i-extend natin sa ngayon, eh hindi pa na-o-obligate…And hindi mapapaso by June 30 kapag obligated na. So nasaan ang bola? Nasa kanila,” aniya.
Paliwanag pa ng senador, kung may napaglaanan na ng pondo ay mapapakinabangan pa ito kahit lumipas na ang ‘expiry date’ ng Bayanihan 2.
Ngunit, ibinahagi ni Pangilinan na may impormasyon na hindi pa mailaan ang pondo dahil inaalam pa rin ng gobyerno kung saan ito huhugutin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.