Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (June 22), pumalo na sa 1,367,894 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 52,696 o 3.9 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,666 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.2 porsyento ang asymptomatic; 1.40 porsyento ang moderate; 2.0 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 60 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 23,809 o 1.74 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 6,810 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,291,389 o 94.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.