Commercial vessels, pinaiiwas sa karagatan sa Southern Mindanao

 

Inquirer file photo

Inabisuhan ng Indonesian Navy ang lahat ng mga commercial vessels na iwasan munang dumaan sa karagatang sakop ng Southern Pihlippines dahil sa banta ng piracy at kidnapping.

Ito’y habang pinaplantsa pa ang paglulunsad ng coordinated patrols sa pagitan ng Indonesia , Pilipinas at Malaysia sa mga karagatang kanilang nasasakupan.

Ayon kay Indonesian military spokesman Tatang Sulaiman, kanilang pinaiigting na ang pagpapatrulya sa kanilang exclusive economic zone upang mapigilan ang ganitong uri ng pagdukot ng mga pirata at bandido.

Ang shipping route sa maritime border ng Indonesia at Pilipinas ay daanan ng mahigit 21 40 bilyong halaga ng kargamento taun-taon.

Kamakailan, sampung Indonesian at apat na Malaysian ang puwersahang dinukot ng mga bandido at sinasabing dinala sa dulong bahagi ng Mindanao region.

Read more...