Isang pulis mula sa Agusan del Norte, nasawi dahil sa COVID-19

Nasa 97 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (June 22), 26,923 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,840 ang aktibo pang kaso.

123 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 25,011 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Sinabi ni PNP Chief Guillermo Eleazar na pumanaw ang 42-anyos na pulis mula sa Agusan del Norte.

Bunsod nito. 72 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...