25,000 na pulis, naturukan na ng COVID-19 vaccines

Aabot na sa 25,000 na pulis ang nabakunahan kontra COVID-19.

Ayon kay Philippine National Police chief Guillermo Eleazar, kasama na rito ang nakakuha ng first dose at second dose.

Ayon kay Eleazar, kabilang sa mga nabakunahan ay nasa A1 priority list o mga health care workers, A2 o mga senior citizen at A3 o may mga comorbidities at A4 o essential workers.

Ayon kay Eleazar, maaring magtungo ang mga pulis sa local government unit para mabakunahan kontra COVID-19 sa pamamagitan ng A4 priority list.

Sa pinakahuling talaan ng PNP, umabot na sa  26,729 na police personnel ang nag-positibo sa COVID-19.

Sa naturang bilang, nasa 1,843 ang active cases habang 71 ang nasawi.

 

Read more...