Sundalo, dinukot ng NPA sa Cotabato

 

Dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang sundalo sa Brgy. Malasila sa Makilala, Cotabato.

Tinukoy ni Army 6th Infantry Division spokesperson ang nasabing sundalo na si Private First Class Edgardo Hilaga Jr.

Patungo sana sa kaniyang unit sa Brgy. Tawan-tawan sa bayan ng M’lang, ang sundalo dakong alas-5 ng umaga ng Huwebes nang mangyari ang pagdukot.

Nakasakay si Hilaga sa kaniyang motorsiklo nang bigla siyang pahintuin ng mga rebelde pati na ang iba pang mga sasakyan.

Ani Petinglay, nasa 20 rebelde ang humarang kina Hilaga sa loob ng mga 15 minuto.

Kinuha rin ng mga rebelde ang radyong pangkomunikasyon ni Hilaga.

Wala pa namang natatanggap na impormasyon o hiling ang 6th Infantry Batallion, pero sinimulan na ng 38th Infantry Batallion ang hot pursuit operation para mahanap si Hilaga.

Read more...