Sen. Imee Marcos nagpaalala sa kakulangan ng supply ng syringe para sa COVID 19 vaccine

Nangangamba si Senator Imee Marcos na maaring maapektuhan ng kakulangan ng suplay sa buong mundo ng syringe o heringgilya ang pagkasa ng vaccination program ng gobyerno.

Aniya mababalewala ang pagbuhos ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas sa mga susunod na buwan kung hindi naman sapat ang suplay ng ginagamit na low dead space (LDS) syringes.

Binanggit nito na may gumagawa ng LDS syringes sa bansa ngunit higit pa sa ¾ ng kanilang suplay ay inaangkat ng mga bansa sa North America.

“We need to secure our domestic supply through imports. The expense involved has challenged the DOH (Department of Health) since the beginning of the year,” ayon sa namumuno sa Senate Committee on Economic Affairs.

Paliwanag niya kapag ginamit ang LDS syringes, ang 40 million Pfizer doses ay magiging 48 million doses.

Kayat hirit niya ay mag-advance orders na para sa LDS syringes.

“Ideally, advance orders for low dead space syringes, a sustained momentum in ramping up vaccination and a more aggressive information campaign to minimize vaccine hesitancy will allow us to achieve herd immunity this year,” dagdag pa nito.

Read more...