Bilang ng napauwing overseas Filipinos sa bansa, lagpas 403,000 na
Wala pa ring patid ang repatriation efforts ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa gitna ng pandemya dahil sa COVID-19.
Sa huling tala hanggang June 21, 2021, umabot sa 403,590 overseas Filipinos ang napauwi sa repatriation efforts ng kagawaran.
Sa nasabing bilang, 105,583 ang seafarers habang 296,008 naman ang land-based overseas Filipinos.
Siniguro ng kagawaran na patuloy ang kanilang pagtulong sa mga Filipino na stranded sa ibang bansa dahil sa COVID-19 travel restrictions.
Matatandaang nagsimula ang repatriation efforts ng kagawaran noong Pebrero ng taong 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.