China nagtangka ng ‘surveillance’ sa Pinas gamit ang NBN-ZTE – Watchdog

By Chona Yu June 21, 2021 - 08:16 PM

INQUIRER FILE PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Mariing kinokondena ng isang governance watchdog at think-talk ang patuloy na panghihimasok at paniniktik ng China sa Pilipinas.

Nabulgar ang tangkang surveillance ng China sa Pilipinas noong administrasyon ni presidente Gloria Macapagal-Arroyo na nagtangkang ipasok ang National Broadband Network ang ZTE Corporation ng China noong 2007.

“Mahalagang malaman ng publiko na kasabwat si dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo sa plano ng China na magpasok ng negosyo sa Pilipinas para simulan ang kanilang pag-eespiya, sabi ni BenCy G. Ellorin, pinuno ng grupong Pinoy Aksyon for Governance and the Environment (Pinoy Aksyon), isang think-tank at governance watchdog.

Ang NBN-ZTE deal ang unang malakihang pagtatangka ng China sa paniniktik.sa Pilipinas, sabi ni Ellorin.

“Ang pagbabantay ng taong bayan at ng Senado ang nag-pigil sa NBN-ZTE scam,” sabi ni Ellorin, isa sa pangunahing complainant sa October 2008 Impeachment complaint laban sa pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Naipakita noon na pwede pa lang sabihin sa China na ‘huwag’ at hindi totoo na wala tayong kalaban-laban sa higanteng bansa.

“Let our democratic institutions work,” sabi ni Ellorin.

“Malamang na ang mga tagasuporta ng ganitong mga proyekto sa loob ng pamahalaan ay inalok ng halaga, kagaya nung 2007,” dagdag niya, at sinabing ang pagiging conspirator sa dayuhan laban sa sariling bayan ay kataksilan na dapat supilin.

Naudlot ang NBN-ZTE deal noong nag-imbestiga ang Senado sa proyekto na nagkaka halaga ng $329 million na napirmahan noong April 21, 2007 ng pamahalaan ng Pilipinas at ng ZTE Corp. of China.

Matatandaanng mismo ang anak ni dating House Speaker Jose De Venecia, si Joey De Venecia tumistego sa Senado noong Septyembre 2007 na ang NBN-ZTE deal ay overpriced ng $130 million.

Nabunyag dun sa bisita ng Senado na si dating Comelec chairman Benjami Abalos na nag-alok sa batang De Venecia na co-founder ng kompetisyon na Amsterdam Holdings Inc. (AHI) ng $10 million para i-urong ang kanilang broadband proposal.

Sangkot din si dating first gentleman Mike Arroyo na mayroon ding share na $70 million ang Presidente.

Nabunyag din ni dating NEDA director general Romulo Neri na inalok siya ni Abalos ng P200 million para aprubahan ang NBN-ZTE broadband contract.

Matatandaang lahat ng kasong graft and corruption at plunder na sinampa sa laban sa dating pangulo sa Ombudsman at Sandiganbayan noong 2011 ay binasura noong nakaupo na si Duterte sa 2016.

“Ang issue dito hindi lang graft and corruption at pandarambong, kundi seguridad ng bayan — national security. Alam natin na ang korporasyong Tsino ay inoutosan ng batas nila na tumolong sa paniniktik, spying o surveillance sa loob ng bansa sa meron silang negosyo,” dagdag ni Ellorin, na nanawagan sa sambayanan na paigtingin ang pagbabantay sa bayan at proteksyonan ang mga demokratikong institusyon kagaya ng Senado.

TAGS: Inquirer News, NBN ZTE deal, Radyo Inquirer news, Inquirer News, NBN ZTE deal, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.