Mga dadalo sa huling SONA ni Pangulong Duterte, posibleng madagdagan

Posibleng madagdagan ang bilang ng mga dadalo sa pinakahuling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 26.

Kinumpirma ito ni House Majority Leader Martin Romualdez matapos ang naging paunang pulong kasama ang ehekutibo.

Kasama sa mga naging suhestyon para makadalo ang mga mambabatas at ilang bisita ay gamitin ang gallery para sa ika-anim na SONA ng Pangulo.

Ngunit, ikokonsidera na dapat ay fully vaccinated na ang mga dadalo.

Sa ngayon, malaki ang posibilidad na manatili pa rin ang dating set-up ng SONA kung saan hybrid o gagamit na lamang ng online platform habang papayagan naman ang limitadong bilang ng guests na dadalo mismo sa Batasang Pambansa.

Read more...