Alyansa ng Lakas-CMD, HNP lalakas pa para sa 2022 elections – Romualdez

June 21, 2021 - 06:52 PM

Mas pagtitibayin pa ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) at ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ang alyansa para sa 2022 national election.

Sinabi ito ni House Majority Leader Martin Romualdez matapos ang pagbisita sa kaarawan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kamakailan.

Ayon kay Romualdez, presidente ng Lakas-CMD, bago pa man ang 2019 election ay mayroon nang partnership ang partido sa HNP ni Mayor Duterte.

Balak i-renew ang alyansa ng dalawang partido na gagawin at isasapormal sa lalong madaling panahon.

Umaasa si Romualdez na mas lalo pang tatatag ang alyansa at relasyon ng dalawang partido lalo na sa nalalapit na eleksyon.

Matatandaang si Romualdez ay inendorsong susuportahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling tumakbo itong Bise Presidente sa susunod na halalan.

TAGS: 2022 elections, HNP, Inquirer News, Lakas-CMD, Martin Romualdez, Radyo Inquirer news, 2022 elections, HNP, Inquirer News, Lakas-CMD, Martin Romualdez, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.