Bilang ng fully vaccinated laban sa COVID-19 sa Pilipinas, higit 2.15-M na
Umabot na sa higit 8.4 milyon ang bilang ng mga naiturok na bakuna kontra sa COVID-19.
Sa datos ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 hanggang araw ng Linggo (June 20, 2021), nasa kabuuang 8,407,343 na ang naiturok na bakuna laban sa nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 6,253,400 ang nabigyan ng first dose habang 2,153,942 ang naturukan ng second dose.
Nasa 208,809 naman ang average ng daily vaccinated individuals sa nakalipas na pitong araw.
Patuloy namang hinihikayat ng gobyerno ang mga kabilang sa A1 hanggang A4 priority groups na magpabakuna na.
Pinaalalahanan din ang mga nabakunahan na sumunod pa rin sa minimum public health standards.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.