Music icon ‘Prince’ natagpuang patay sa kanyang tahanan

 

NEW GIRL: Music royalty Prince in the "Prince" episode of NEW GIRL airing Sunday, Feb. 2, 2014 (approx. 10:30-11:00 PM ET/7:30-8:00 PM PT), immediately after FOX Sports' coverage of SUPER BOWL XLVIII. (Photo by FOX via Getty Images)
Mula sa Fox

Namatay na ang legendary music pop icon na si ‘Prince’ sa edad na 57.

Sa ulat ng TMZ, nadiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kayang tahanan sa Paisley Park Compund sa MInnesita USA, Huwebes ng umaga, oras sa Amerika.

Una rito, nagkaroon ng medical emergency ang musikero noong April 15 kaya’t napilitan ang sinasakyan nitong private jet na mag-emergency landing sa paliparan sa Illinois.

Gayunman, kinabukasan April 16, nagawa pa nitong ituloy ang isa niyang concert.

Ayon sa source ng TMZ, ilang araw nang nakakaranas ng flu o trangkaso ang premyadong musikero ngunit hindi pa batid kung may kinalaman ito sa kanyang pagkasawi.

Nagsimulang sumikat si Prince Rogers Nelson o ‘Prince’ noong 1982 nang i-release nito ang kanyang breakthrough album na ‘1999’.

1985 nang manalo ito ng Best Original Song Score sa kanyang ‘Purple Rain’ noong 1985 at nagwagi rin ng 7 Grammy Awards.

Umaabot sa 100 milyong records ng mga kanta ni Prince ang naibenta sa loob ng mahigit 30 taong musical career nito.

Read more...