Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 179.25 milyon
Pumalo na sa 179.25 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 179,259,991 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 34,406,001 cases.
Sumunod na rito ang India na may 29,935,221 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 17,927,928 naman ang kaso sa Brazil habang 5,757,311 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Turkey – 5,370,299
– Russia – 5,316,826
– United Kingdom – 4,630,040
– Argentina – 4,268,789
– Italy – 4,252,976
– Colombia – 3,945,166
– Spain – 3,757,442
– Germany – 3,730,115
– Iran – 3,095,135
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,882,107 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 163,827,935 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.