Full protection and support sa healthcare workers sa COVID 19 variants hiniling ni Sen. Nancy Binay
Nag-aalala si Senator Nancy Binay para sa mga healthcare workers kaugnay sa pagkakasakit ng COVID 19 kasi sila ay ‘fully vaccinated’ na, gayundin dahil sa mga bagong variants.
Kayat hiniling ni Binay sa DOH na magkaroon ng komprehensibong hakbang para bigyan proteksyon ang healthcare workers nang hindi sila mahawa ng nakakamatay na sakit.
Ginawa ito ng senadora kasunod nang pagkakasakit ng higit 350 doctors at medical workers sa Indonesia sa kabila na sila ay fully vaccinated na.
“I believe we have to prepare for the possibility of our fully vaccinated healthcare workers acquiring Covid and its new variants, lalo na’t ang mga kaso ng infections are contracted in the workplace because of the high viral load. Sa ngayon, let’s find practical ways to protect them because if the cases reach high numbers, bukod sa kukulangin tayo ng healthworkers dahil sa posibilidad na mahawaan sila, our healthcare support system may again be overburdened or possibly collapse,” sabi nito.
Nais ni Binay na bigyan ng todong suporta ang fully vaccinated healthcare workers kapag sila ay tinamaan ng COVID 19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.