Pagpatay sa mga menor de edad sa AFP, PNP operations kinondena ni Sen. de Lima
Pinuna ni Senator Leila de Lima ang pagkakapatay sa mga menor de edad sa pagsasagawa ng mga awtoridad ng anti-drugs at anti-insurgency operations.
Kasabay nito ang kanyang panawagan para sa imbestigasyon sa mga insidente, partikular na nag pagkamatay ng 16-anyos na si Jhony Maglinte Helis at ng 12-anyos na si Angel Rivas.
“Last month, it was an 18-year old with autism. On Tuesday, a 12-year old Lumad was killed in an alleged indiscriminate firing by the military. On Wednesday, a 16-year-old boy was killed in a police operation. Nanlaban daw,” aniya.
Unang napa-ulat na nasa taniman ng abaka ang mga miyembro ng tribung Lumad – Manobo sina Willy Rodriguez, Lenie Rivas at ang batang si Rivas nang sila ay paputukan diumano ng mga tauhan ng Army 3rd Special Forces sa Lianga, Surigao del Sur.
Iginiit naman ng Philippine Army na engkuwentro ang nangyari.
Samantala, sa Binan City sa Laguna, napatay si Helis kasama ang kaibigan na si Antonio Dalit, na sinasabing isa sa most wanted persons sa lalawigan, sa pagsisilbi ng warrant of arrest.
May kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Dalit.
Pagdidiin ni de Lima nararapat lang na maimbestigahan ang mga insidente para malaman ng publiko ang buong katotohanan.
Sinisi ng senadora ang gobyerno sa kabiguan na mabigyan proteksyon ang mga bata at kabataan, kabilang na ang mga katutubo.
“Authorities who made lapses in their operations or participated in varying degrees in the perpetuation of extrajudicial killings should be held accountable. Kapag hinayaan lang ito, parang kinunsinte na rin natin ang mga pang-aabuso at pinalakas pa ang loob ng mga gumagawa ng brutal at ilegal na pagpatay ,” sabi pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.