89 na bagong tinamaan ng COVID-19 naitala ng PNP

By Erwin Aguilon June 20, 2021 - 01:45 PM

Umakyat na sa kabuuang 26, 729 ang bilang ng mga nagkasakit ng COVID-19 sa Philippine National Police.

Ito ayon sa PNP Health Service ay matapos makapagtala ng panibagong 89 na kaso ngayong araw.

Dahil dito, mayroon ng 1,843 na aktibong kaso sa hanay ng pulisya.

Nakapagdagdag naman ng 168 na bagong gumaling kaya 24,815 na ang nakarecover sa sakit.

Nananatili naman sa 71 ang bilang ng mga nasawi at walang nadagdag na bago rito.

 

 

TAGS: COVID-19 cases, PNP, COVID-19 cases, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.