Apektado ng Southwest monsoon o Habagat ang Northern at Central Luzon.
Ayon sa PAGASA, ang Ilocos Region, mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at Palawan ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dulot ng Habagat.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na himpapawid na may kasamang isolated na pag-ulat dala ng Habagat at localized thunderstorm.
Maari ayon sa weather bureau ang flash floods at landslide sa mga nabanggit na lugar.
Ang araw ay sumikat 5:28 ng umaga at inaasahang lulubong 6:27 mamayang gabi.
MOST READ
LATEST STORIES