Public hospital employees makatatanggap ng cash allowance

By Chona Yu June 19, 2021 - 05:20 PM

Manila PIO photo

Bibigyan ng cash allowance ng Department of Health ang mga public hospital employees.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hinahanapan na ng DOH ng pondo para maibigay ang naturang allowance.

Nabatid na una nang inilaan ang pondo para sa allowance ng mga empleyado subalit ginawang repurposed ng DOH para ipang-bili ng COVID-19 test kits.

Ayon kay Vergeire, magsisilbi itong transportation, accommodation at meals allowance.Humihingi si Vergeire ng kaunting pasensya sa mga public hospital employees.

Kaya aniya kinuhang muli ng DOH ang pondo dahil hindi agad naipamigay ng ospital ang pera  daahil sa mga alituntunin na kinakailangang sundin para sa procurement at fund utilization.

 

 

 

TAGS: cash allowance, doh, Maria Rosario Vergeire, public hospital employees, cash allowance, doh, Maria Rosario Vergeire, public hospital employees

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.