P58-M halaga ng smuggled vehicles winasak sa Manila, Cagayan de Oro
Umabot sa 21 sasakyan, kabilang ang ilang luxury sports car at nagkakahalaga ng P58.55 milyon, ang winasak ng Bureau of Customs sa Maynila at Cagayan de Oro ngayon araw.
Sinabi ng kawanihan na ang mga winasak na sasakyan sa Maynila ay mula sa Manila International Container Port (MICP), Port of Manila (POM), at Port of Subic.
Kasama sa mga winasak ang isang brand new McLaren 620R, Hyundai Genesis, Bentley 2007, Porsche 911 C2S, Mercedes-Benz, Lotus, at Toyota Solara.
Samantala, 14 knocked-down Mitsubishi Jeeps na nakumpiska sa Port of Cagayan de Oro ang winasak sa Diamond Logistic in Baloy, Barangay Tablon.
Ang mga sasakyan ay kabilang sa mga nakumpiska sa magkakahiwalay na pagkakataon simula nooong 2018 hanggang 2020.
Base ito sa direktiba ni Pangulong Duterte na was akin ang mga nakumpiskang smuggled vehicles para patunayan na seryoso ang gobyerno sa anti-smuggling campaign.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.