Bakit kayo defensive? Baka guilty? Tanong ni Sen. de Lima sa Palasyo ukol sa hakbang ng ICC sa ‘war on drugs’
Kinuwestiyon ni Senator Leila de Lima ang pahayag ng Palasyo ng Malakanyang na gawa-gawa lang ang mga ebidensiyang pinagbasehan ng rekomendasyon sa International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang madugong ‘war on drugs’ sa Pilipinas.
“Ang pagsabi na “hearsay” lamang ang ebidensiya ay nagpapakita na defensive ang palasyo sa kaso ni Duterte. Ang totoong inosente, sasabihin nila na walang katotohanan ang paratang,” diin ni de Lima.
Paalala pa nito, hindi pa nangyayaring paglilitis kayat hindi pa panahon para busisiin ang ebidensiya bukod pa sa maghahanap pa ng mga karagdagang testigo.
“Hindi pa natin alam kung ano ang ebidensya na hawak ng ICC. Sigurado meron na yan. Dadagdagan na lang. Palibhasa alam nilang guilty sila kaya nag-speculate na sila,” sabi pa ng senadora.
Panawagan din niya sa Malakanyang na tigilan na ang panloloko sa sambayanan sa pamamagitan ng mga baluktot na pahayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.