Isantabi muna ang isyu sa Ph-US Visiting Forces Agreement – Sen. Go

Dahil nahaharap pa rin sa pandemya ang buong mundo, sinabi ni Senator Christopher Go na makakabuti kung isasantabi muna ang isyu ukol sa pagbawi sa Philippine – US Visiting Forces Agreement (VFA).

Ayon sa senador. para sa kanya ay kinailangang mangibabaw ang interes at kapakanan ng sambayanang Filipino.

Hiling lang niya na pagkatiwalaan si Pangulong Duterte sa desisyon na suspendihin muna muli ang paglusaw sa VFA.

“Ako naman po ay sang-ayon dun dahil nasa gitna pa tayo ng pandemya. As the chief architect of the foreign policy, ang pagkakilala ko po kay Pangulong Duterte, binabalanse po niya lahat. Inuuna niya po interes ng bawat Pilipino, interes ng ating bayan,” aniya.

Pagdidiin niya, pinaninindigan rin lang ni Pangulong Duterte na ang Pilipinas ay malayang bansa at kailangan na irespeto ng iba ang sobereniya, partikular na ng mga kaalyadong bansa.

Sinabi pa ni Go na sa loob ng anim na buwan ay maaring marami pa ang mangyari sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, kabilang na ang pagpapatibay pa ng husto ng relasyon ng dalawang bansa.

Nagpasabi na ang Pilipinas sa U.S. ng balak na pagtalikod sa kasunduan noong 2020 alinsunod sa ‘independent foreign policy’ ng administrasyon.

Read more...