DPWH may road repair at reblockding sa EDSA, C5

Itutuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road maintenance works sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) at Circumferential Road 5 (C-5) sa Quezon City ngayong weekend.

Magsisimula ang road repair sa 11:00, Biyernes ng gabi (June 18).

Narito ang mga aayusin sa EDSA:
– Bahagi ng EDSA malapit sa corner Kaingin Road Quezon City (Northbound)
– EDSA, Caloocan -K0010+(-942)-K0010+666

Narito naman ang road repair saC-5:
– Pagkatapos ng Rosa Alvero (5th lane mula sa sidewalk) bago ang P. Tuazon (3rd lane mula sa sidewalk)
– Pagkatapos ng Rajah Matanda (3rd lane mula sa sidewalk)

Inabisuhan naman ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.

Muling bubuksan ang mga apektadong kalsada sa 5:00, Lunes ng madaling-araw, June 21.

Read more...