P6.4 Trillion na utang ng gobyerno sulit ayon sa Palasyo

By Alvin Barcelona April 21, 2016 - 07:46 PM

malacanang-fb-0723
Inquirer file photo

Ipinagtanggol ng Malacañang ang P6.4 Trillion na utang ng Aquino administration mula sa mga international creditors.

Reaksyon ito ng palasyo sa ulat ng Freedom from Debt Coalition na si Pangulong Aquino ang may pinakamalaking utang sa lahat ng mga nakaraang Presidente mula noong 1986 kabilang si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Paliwanag ni Coloma, lahat ng bansa ay may utang dahil ang nalilikom na buwis ay kailangang dagdagan ng hiram na pondo upang tustusan ang pagpapatayo ng imprastruktura at iba pang programang pang kaunlaran.

Dahil aniya nakapagtala ang Pilipinas ng mataas na paglago ng ekonomiya o Gross Domestic Product (GDP), may kapasidad ang bansang kumalap ng hiram na pondo sa mababang interes habang lalo pang lumalago ang kabuhayan ng mga Pilipino.

Base rin sa ulat, kung hahatiin ang nasabing halaga sa projected na 103 Million na bilang ng populasyon ng Pilipinas, ang bawat pilipino ngayon ay may pagkaka-utang na mahigit P62 Pesos bukod pa sa mahigit apat na libo mula sa governbment guaranteed debts.

TAGS: aquino administration, Coloma, foreign debts, gdp, aquino administration, Coloma, foreign debts, gdp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.