Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (June 18), pumalo na sa 1,346,276 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 61,776 o 4.6 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 6,833 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
92.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.7 porsyento ang asymptomatic; 1.22 porsyento ang moderate; 1.7 porsyento ang severe habang 1.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 110 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 23,385 o 1.74 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 3,441 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,261,115 o 93.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.