Ilang kalsada sa Maynila, sarado sa June 19

By Angellic Jordan June 18, 2021 - 03:18 PM

Pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Lungsod ng Maynila sa araw ng Sabado, June 19.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA,  ito ay para sa mga isasagawang aktibidad sa ika-160 Birth Anniversary ni Dr. Jose Rizal.

Isasara ang north at southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang TM Kalaw simila 6:00 ng umaga.

Payo sa mga motorista, dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Lahat ng light vehicles mula Bonifacio Drive, kumaliwa sa P. Burgos, kanan sa Ma.Orosa papunta sa destinasyon.

Samantala, lahat naman ng trailer trucks o heavy vehicles na magmumula sa Delpan Bridge-Pier Zone ay maaring kumaliwa sa P. Burgos, saka dumeretso sa finance Rd- Ayala Ave., kanan sa San Marcelino patungo sa destinasyon.

Para naman sa mga bibiyahe sa northbound ng Roxas Boulevard, kumanan sa TM Kalaw, kaliwa sa Ma. Orosa papunta sa destinasyon.

Sa trailer trucks o heavy vehicles na babagtas sa northbound ng Roxas Boulevard mula P. Ocampo, pwedeng kumanan sa Pres. Quirino Avenue hanggang Plaza Dilao papunta sa destinasyon.

Sa mga sasakyan namang magmumula sa tatlong tulay; McArthur, Jones at Quezon ay dadaan sa southbound lane ng Roxas Boulevard mula P. Burgos, maaring dumaan sa Round Table, saka magtungo sa Ma. Orosa o dumaan sa Taft Avenue papunta sa destinasyon.

Narito naman ang mga itatalagang parking area:
– Isang lane Katigbak Drive
– Isang lane South Drive
– Isang Lane TM Kalaw Westbound
– Service Road ng Roxas Boulevard

Ibabase ang mga pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada sa aktuwal na sitwasyon ng trapiko.

TAGS: Inquirer News, Jose Rizal, mmda, Radyo Inquirer news, Inquirer News, Jose Rizal, mmda, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.