Gordon naghahanap ng VP running mate

Naghahanap na ng running mate para sa 2022 national elections si Senador Richard Gordon.

Ito ay matapos ideklara ni Gordon na tatakbo siyang pangulo ng bansa sa susunod na halalan.

Ayon kay Gordon, sa ngayon, mayroong mga indibidwal ang nakikipag-negosasyon para maging kanyang vice presidential candidate.

Matatandaang tumakbong pangulo ng bansa noon si Gordon at nakatandem si dating Marikina Mayor Bayani Fernando.

Gayunman, parehong natalo ang kanilang tambalan.

 

Read more...