Disneyland sa Paris bukas na

Binuksan na sa publiko Disneyland theme park sa Paris.

Ito ay matapos ang pagsasara sa sikat na pasyalan sa nakalipas na walong buwan dahil sa pandemya sa COVID-19.

Gayunman, bagamat bukas na, mahigpit pa rin na ipinatutupad ang mga safety measures.

Bawal ang close interactions o pagyakap sa mga sikat at paboritong Disney characters gaya nina Mickey Mouse, Minnie Mouse at Goofy.

May sapat na distansya ang mga Disney characters sa mga bumibisita sa Disneyland.

Read more...