Symbolic vaccination sa seafarers sa Maynila, pinangunahan ni Moreno

Photo credit: Mayor Isko Moreno Domagoso/Facebook

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang symbolic vaccination sa seafarers sa Palacio de Maynila.

Aabot sa 1,200 na seafares ang naturukan ng bakuna gamit ang Pfizer.

“Nagpapasalamat kami sa inyo sa pagtitiwala ninyo sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila na dito kayo mabakunahan,” pahayag ni Mayor Isko.

Welcome aniya ang lahat ng seafarers na magpabakuna sa Maynila.

“I’m happy na nabakunahan kayo ang we are happy to be of service. Thank you for trusting the City of Manila. Tell your friends in the industry, all of them, welcome kayo Manila. We’ll be happy to vaccinate you,” pahayag ni Mayor Isko.

Nakasama ni Mayor Isko sa symbolic vaccination sina Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez, Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III, Senator Joel Villanueva, Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque Jr., at National Task Force (NTF) Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Sec. Vince Dizon.

Una rito, inanunsyo ng Association of Marine Officers’ and Seamen’s Union of the Philippines (AMOSUP) na aabot sa 30,000 Filipino seafarers ang babakunahan sa buwan ng Hunyo.

Read more...