Pagkaka-nomina na maging bahagi ng UN panel na bumabalangkas sa mga int’l law, ikinatuwa ni Roque

By Chona Yu June 17, 2021 - 08:30 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Ikinatuwa ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pagkaka-nomina sa kanya na maging bahagi ng United Nations panel na bumabalangkas ng mga international law.

Ayon kay Roque, hindi mangyayari ang kanyang nominasyon kung walang kumpas ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kailangan kasi aniya ang isang official nomination.

Ayon kay Roque, malaki ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Duterte, maging kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Sinabi pa ni Roque na ang pagkakahalal bilang miyembro ng International Law Commission ay walang opisina, walang sweldo at nagpupulong lamang dalawang beses kada taon sa Geneva at New York.

Ayon kay Roque, sakali mang magpasya siyang tumakbong Senador sa susunod na eleksyon, walang epekto ang pagiging miyembro ng International Law Commission.

Isa si Roque sa 34 na mga nominado sa Internatioal Law Commission.

TAGS: Harry Roque, Inquirer News, International Law Commission, Radyo Inquirer news, UN panel, Harry Roque, Inquirer News, International Law Commission, Radyo Inquirer news, UN panel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.