Higit 12.2 milyong Filipino, walang trabaho sa unang quarter ng 2021 – SWS
Nasa 12.2 milyon ang bilang ng mga Filipino sa unang quarter ng taong 2021, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Lumabas sa survey na 25.8 porsyento sa adult labor force ang walang trabaho.
1.5 points itong bumaba mula sa naitalang 27.3 porsyento noong November 2020 ngunit 8.3 points pa ring mas mataas sa pre-pandemic level na 17.5 porsyento noong December 2019.
Tinawag ng SWS na labor force ang mga may edad 18 pataas na kasalukuyang may trabaho at naghahanap ng trabaho habang Labor Force Participation Rate naman ang proporsyon sa labor force.
Base rin sa resulta, kabilang sa mga walang trabaho ay mga inidibiduwal na boluntaryong umalis sa dating trabaho, naghahanap ng unang trabaho, o nawalan ng trabaho dahil sa epekto sa ekonomiya ng pandemya.
Isinagawa ang First Quarter 2021 Social Weather Survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews ng 1,200 adults sa bansa mula April 28 hanggang May 2, 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.