PACC, BI patuloy na lalaban sa katiwalian

June 17, 2021 - 07:54 PM

Sanib-pwersa na ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at Bureau of Immigration (BI) upang labanan ang korapsyon sa pamahalaan.

Isinulong ni PACC Chairman Greco Belgica ang proyektong “Kasangga, Tokhang Kontra Katiwalian” para pagkaisahin ang mga ahensya ng gobyerno sa layuning tuluyang mahinto ang katiwalian hanggang sa huling araw ng Duterte administrasyon.

Ani Belgica na sa pamamagitan nito, mas mabilis nang maiuulat at maiimbestigahan ang mga reklamo ng korapsyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Lumagda sa manifesto ang BI sa pangunguna ni Commissioner Jaime Morente, kasama ang iba pang opisyal at personnel ng naturang ahensya.

Ani Morente, mahalaga ang pagkakaisa ng mga ahensya ng pamahalaan upang maisakatuparan ang layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Wala aniyang pipiliin ang PACC sa mga ikakasang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso upang papanagutin ang mga nasa likod ng katiwalian.

“Patuloy kaming magsusulong ng mga serye ng manifesto signing sa lahat ng ahensya ng pamahalaan para masiguro sa publiko na ang pondo ng gobyerno ay nagugugol ng maayos at tama,” pahayag ni Belgica.

TAGS: BI, Inquirer News, pacc, Radyo Inquirer news, BI, Inquirer News, pacc, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.