Pagpupursige ng ICC na ituloy ang imbestigasyon sa drug war, ipinagkibit-balikat lang ni Pangulong Duterte – Palasyo

By Chona Yu June 17, 2021 - 06:47 PM

Inquirer file photo

Ipinagkibit-balikat lamang ni Pangulong Rodrigo Duterteang pagpupursige ni International Criminal Court Prosecutor Fatou Bensouda na ituloy ang imbestigasyon sa anti-drug war campaign sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, puro media sources kasi ang pinagbasehan ng imbestigasyon ni Bensouda.

Tanong aniya ng Pangulo, “eh, bakit ganito ito? Bakit puro Rappler at ABS-CBN ang sina-citeng prosecutor?”

“And immediately his reaction was, bakit ganito ito, bakit puro Rappler, ABS-CBN ang sina-cite ng prosecutor? Kaya nga po after we saw the 52-page decision, knowing that they were citing Rappler and ABS-CBN and Inquirer, eh medyo napayapa na po kami because in law, all these newspaper accounts are mere hearsay,” pahayag ni Roque.

Sinabi pa ni Roque na napayapa aniya ang Pangulo nang makitang puro media sources ang imbestigasyon ni Bensouda.

Katwiran ni Roque, kung batas ang pag-uusapan, hearsay kasi na maikokonsidera ang balita.

“You know, he shrugged off. The opinion, after checking the sources, media sources, kasi all lawyers know, that will not stand in court. And since you need the judicial authorization to proceed an investigation, lawyers know that you cannot start any proceedings on the basis of hearsay evidence. So, we are confident. Even if magpatuloy pa iyan sa imbestigasyon, ang sinasabi ko nga ay kung puro galing naman sa media ang gagamiting sources at galing sa mga makakaliwang grupo, hindi po iyan tatayo kasi mayroon din pong stage sa ICC na tinatawag ‘confirmation of charges’, pahayag ni Roque.

TAGS: drug war investigation, Harry Roque, ICC, Inquirer News, Radyo Inquirer news, war on drugs investigation, drug war investigation, Harry Roque, ICC, Inquirer News, Radyo Inquirer news, war on drugs investigation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.